GMA Logo Heart Evangelista, Joy Barcoma, Baus Rufo
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at celebri-peeps, naniniwalang magulang dapat ang magturo ng reproductive health sa mga bata

By Kristine Kang
Published July 12, 2026 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (July 12, 2026) LIVE
SB19 drops cryptic teaser featuring a goat
Where structure meets serenity in 'C/AURUMSCAPE'

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista, Joy Barcoma, Baus Rufo


Saan nga ba dapat matutunan ng bata ang reproductive health at sex education? Alamin ang opinyon ng People, dito.

Isang makabuluhang usapan ang naganap nitong weekend sa bagong original game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (July 11), tinanong ang People at mga celebrity pair kung saan dapat matutunan ng mga bata ang reproductive health at sex education.

Para sa Team KRISMART na sina Kris Bernal at Martin del Rosario, sa paaralan ito dapat ituro.

"At least doon mas comprehensive ang pag-e-explain," sagot ni Martin.

"As a nanay, siyempre gusto ko ako 'yung magtuturo. Pero kung iisipin ko kasi 'yung masa, parang feel ko mas papunta doon sa school na lang ang magturo kaysa sa amin," dagdag ni Kris.

Samantala, para naman sa Team CAMYA na sina Camille Prats at Iya Villania, mga magulang ang dapat magturo ng reproductive health at sex education sa mga bata.

"Para sa akin, sa akin (bilang magulang) dapat manggaling kung ano ang sex education and reproductive health because this is a very sensitive topic. I would want to be the one to explain it to my children. Kasi if not, baka iba 'yung pagtanggap nila doon. Magkaroon ng malisya, hindi malinaw doon sa topic," paliwanag ni Camille.

"You're in a safer place, and I also think mas walang judgement kapag with parents. Kapag curious 'yung bata, mas open siyang magtanong sa mga magulang kaysa sa kaklase o sa teachers," ani Iya.

Lumalim pa ang usapan nang hingan din ni Kapuso host Sean Lucas ng opinyon ang ilan sa mga People sa studio.

"I believe that it's the parents' responsibility to teach their children about the sensitive and important topics. So that when they go to different environments, they actually have the basic knowledge na," sagot ng isa sa People.

Sang-ayon din ang celebri-peep pair na sina Joy Barcoma at Baus Rufo na ang mga magulang ang dapat unang magturo ng reproductive health sa mga bata.

"Pero meron din itong kaakibat na responsibilidad. Dapat ituro siya sa mga bata, lalo na ang reproductive health as early as sa edad ng batang nakakaintindi na. Kapag naiintindihan niya na kung ano ang kahalagahan ng mga body parts niya, kung bakit maselan ito, kung bakit sa kanya lang ito at pribado, only then should we explain it to our children," opinyon ni Joy.

"'Yung sex education naman, puwede na 'yan sa latter part ng mga teenager para naman 'yung kaalaman ay may kaakibat na responsibilidad. "

Dagdag naman ni Baus, "Dahil ang mga magulang natin ang ating very first teachers, meron silang responsibilidad na ituro ito sa tamang panahon gamit ang tamang lengguwahe."

Para kay Sean, mahalagang maituro ang reproductive health bilang bahagi ng edukasyon ng mga bata.

"I hope we are more open to talk about our reproductive health. It is a very important thing that we all should learn about," aniya.

Sang-ayon naman si Kapuso host Heart Evangelista na mahalagang magkaroon ng masinsinang pag-uusap ang mga magulang at anak tungkol sa naturang paksa.

"It's such an intimate matter. You know it should be an intimate talk with your kids. So they can also be just you. Hindi parang nandoon mga kaklase, nagtutuksuan. It's so awkward," opinyon niya.

Sa huli ng naturang round, mas maraming people ang pumili ng "paaralan" na may 52% ng votes. Habang ang sagot na magulang ay may 46% votes.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, panoorin ang kulitan nina Heart Evangelista at Sean Lucas sa online exclusive na ito: